Song Title:

Delubyo

SMS Vote:

Just key in FREEDOM 9 and send it to 2948

Listen:
Composer:
Daryl Cielo

Performer:
Daryl Cielo

Address:
Muntinlupa

Profile:
Daryl Cielo is a 22 year old Mechanical Engineering graduate from UP Diliman, who, inspite of his tedious course, never lost sight of his true passion: writing songs. He started engaging in music when he was in high school: with an acoustic guitar, followed by joining the school choir and forming a band. Back in 2011, he was among the 60 campers chosen to participate in the Elements National Singing & Songwriting Camp. Because of a demanding academic life, he and his band mates laid low from constantly performing. But whenever there's time to spare, he picks up his guitar, makes music, and turns whatever's in his heart into a song.
Click the "Like" button to Vote Online -->


Lyrics:


Verse 1:
Sa Pag-ihip ng panahon
Ang hamog ay hindi nauubos
Sa pagsipol ng hangin, iyong panalangi'y di rumaraos
At ang sinag ng mga tala
Wari'y 'di sumasagi sa lupa
Mga ulap at buwan, 'di na masandalan, sadya bang nawala na?

Refrain 1:
Tila ba gumuguho na
Ang himpapawid sa'yong mata
Lagi pang sinasabi nila
Wala nang mapapala

Chorus:
Sa gitna ng hangin at mga alon
Malaya kang umawit at umibig
Sa mundong iyong kinagisnan
Sa gitna ng unos na naghahamon
Malaya kang umawit at manalig
Na bukas ang langit ay hihilumin ang lahat

Verse 2:
Sa delubyong nagbabadya
Ilang beses pang magtatago
Sa bagyong nanalasa, simoy ng pag-asa tila ang layo
Ang amihan at ang habagat
Nagtatalo sa pusod ng dagat
Ang lindol sa'yong puso, wag mong isusuko kahit dehado

Refrain 2:
Kahit pa gumuguho na
Ang himpapawid sa'yong mata
Kahit pa sinasabi nila
Wala nang mapapala

Chorus:
Sa gitna ng hangin at mga alon
Malaya kang umawit at umibig
Sa mundong iyong kinagisnan
Sa gitna ng unos na naghahamon
Malaya kang umawit at manalig
Na bukas ang langit ay hihilumin ang lahat

Ooooh

Bridge:
Malaya kang umawit
Malaya kang umibig
Malaya kang manalig
Malaya kang managinip
Malayang ipahiwatig
Ang sigaw ng puso mong hindi mabubuwal

Chorus:
Sa gitna ng hangin at mga alon
Malaya kang umawit at umibig
Sa mundong iyong kinagisnan
Sa gitna ng unos na naghahamon
Malaya kang umawit at manalig
Na bukas ang langit ay hihilumin ang lahat

Ang lahat

Coda:
Malaya kang umawit
Malaya kang umibig
Malayang ipahiwatig na puso mo'y 'di mabubuwal
Malaya kang manalig
Malaya kang managinip
Malayang ipahiwatig na puso mo'y 'di mabubuwal